Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang tsunami threat sa Pilipinas matapos yumanig ang magnitude 7.6 na lindol ang north of Honduras nitong Linggo ng umaga, Pebrero 9.
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol sa north of Honduras sa Central America dakong 7:23 ng umaga.
May lalim ang lindol na 33 kilometro.
Ayon sa ahensya, posible ang tsunami sa mga baybaying nasa loob ng 1000 kilometro sa epicenter ng lindol, at hindi raw kasama rito ang Pilipinas.
“Hazardous tsunami waves are possible for coasts located within 1000 km of the earthquake epicenter,” anang Phivolcs.
“This is for information purposes only and there is no destructive tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” dagdag pa.
Dahil dito, wala naman umanong kinakailangang aksyon sa bansa kaugnay ng lindol.