February 10, 2025

Home BALITA National

Marbil, nangakong sisiguruhin ng PNP seguridad ng publiko sa 2025 elections

Marbil, nangakong sisiguruhin ng PNP seguridad ng publiko sa 2025 elections
PNP chief Rommel Marbil (file photo)

“No political ambition should compromise public safety.”

Ito ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil matapos niyang muling sabihing sisiguruhin ng pulisya ang kaligtasan ng publiko at kaayusan sa darating na 2025 midtem elections.

“As we approach the mid-term elections, the PNP remains steadfast in its duty to uphold peace and security,” ani Marbil sa isang pahayag nitong Linggo, Pebrero 9.

“Any actions that incite violence, intimidate voters, or undermine the electoral process will be met with the full force of the law,” dagdag niya.

National

Akbayan, kinondena isiniwalat ni SP Chiz na pagkatapos ng SONA lilitisin impeachment vs VP Sara

Iginiit din ni Marbil na mananatili raw prayoridad ng PNP ang pag-iingat sa integridad ng halalan.

Kaugnay nito, tiniyak ng hepe sa publikong mananatiling “impartial” at “proactive” ang pulisya sa pagpigil sa anumang uri ng karahasan sa pulitika.

“No political ambition should compromise public safety. The PNP will remain vigilant in ensuring that the elections are conducted peacefully, and those who attempt to disrupt this process through violence or intimidation will be held accountable,” saad ni Marbil.

Noong Miyerkules, Pebrero 5, nang maglunsad ang PNP ng 100-araw na security plan, na naglalayon daw na siguruhin daw ang maayos na halalan sa darating na Mayo 12, 2025.

Kabilang sa mga pangunahing hakbang sa ilalim ng security plan ng PNP ang pagpapaigting sa mga operasyon laban sa loose firearms at wanted criminals, proactive intelligence monitoring para maiwasan ang karahasan na may kaugnayan sa halalan, strategic police deployment sa mga natukoy na election areas of concern, at mga round-the-clock na checkpoint at patrol sa high-risk areas.