April 23, 2025

Home BALITA National

Espiritu, tinawag na ‘duwag’ si Dela Rosa: ‘Takbuhin sa paputok, takbuhin sa ICC!’

Espiritu, tinawag na ‘duwag’ si Dela Rosa: ‘Takbuhin sa paputok, takbuhin sa ICC!’
MULA SA KALIWA: Atty. Luke Espiritu at Sen. Bato dela Rosa (Facebook)

Tinawag ng labor leader at senatorial aspirant na si Atty. Luke Espiritu si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na “duwag” sa hindi raw nito pagharap sa International Criminal Court (ICC), matapos ang naging komento ng senador sa mukha ni Akbayan Rep. Perci Cendaña, na isang stroke survivor.

“Duwag yang si Bato dela Rosa. Takbuhin sa paputok, takbuhin sa ICC,” ani Espiritu sa isang Facebook post nitong Sabado, Pebrero 8, na pinatutungkulan ang internasyunal na korte na nag-iimbestiga sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan naging hepe ng Philippine National Police (PNP) ang senador.

“(Basta wag mo akong takbuhan sa debate). Pakikiisa sa mga stroke victim,” saad pa ng senatorial aspirant.

Ang naturang pahayag ni Espiritu ay kaugnay ng naging pagtawag kamakailan ni Dela Rosa kay Cendaña na “ngiwi.”

National

Malacañang, nagdeklara ng 'National Mourning' sa pagpanaw ni Pope Francis

“Kanang imonang nawong gisagpa na sa dile ingun nato busa nahiwi. Duol dire nako beh kay akoy sagpa sa pikas nawong nimo para mabalanse (‘Yang mukha mo, sinapak ng 'di natin alam kaya ngiwi. Lumapit ka nga dito kasi sasapakin kita sa kabilang mukha mo para balanse),” mababasang sa komento ni Dela Rosa sa isang post hinggil sa pahayag ni Cendaña kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

MAKI-BALITA: Akbayan sa hirit ni VP Sara hinggil sa impeachment: ‘Teh, hindi ito usapang jowa!’

Matapos mag-viral ang burado nang komento ng senador, naglabas ng pahayag si Cendaña nitong Sabado, Pebrero 9, at sinabing “‘TABINGI ANG MUKHA’ ko dahil ang ‘BAKLANG NGIWI’ na ito ay stroke survivor. Yakap na mahigpit sa mga kapwa ko stroke survivor.”

Ayon pa sa kongresista sa isang post: “Sana ganyan din siya (Dela Rosa) katapang laban sa China sa WPS at sa pagharap sa ICC.”

MAKI-BALITA: Cendaña kay Dela Rosa: 'Sana ganyan din siya katapang sa China'

Samantala, nitong Linggo, Pebrero 9, ay humingi na ng tawad si Dela Rosa kay Cendaña.

MAKI-BALITA: Sen. Bato, nag-sorry kay Rep. Cendaña: ‘I failed to see the bigger picture’