Nabanas ang isang lalaki sa "palamunin" niyang ka-live-in partner, na hindi raw kumikilos sa bahay nila, kaya naisipan niya raw mag-hire ng yaya na ang sahod ay mas higit pa sa sinasahod ng nobya niya.
Sa isang online community na Reddit, nag-rant ang lalaki tungkol sa girlfriend niyang nakipag-live-in sa kaniya. Aniya, siya raw ang gumagawa ng gawaing bahay dahil gusto lang daw ng girlfriend niya ng princess treatment.
"Busy akong tao, hindi sobra, sakto lang. Yung gf ko hindi, wfh tapos nakipag live in sakin. Ako kahat gumagawa ng trabahong bahay dahil gusto nya ng princess treatment. Hindi ko dinadownplay yung work from home, pero meron syang 9 hours para mag work. Ako may 9 hours para mag work 2hours combined commute hindi pa kasama dun yung pagas ko sa sasakyan ko at traffic. Few hours na gawaing bahay at laba pag weekends," saad ng lalaki.
Kuwento niya, may oras na nagmamadali raw siya. Inutusan daw niyang maglaba yung girlfriend niya dahil Sabado naman daw no'n, pero ang sagot sa kaniya: "Hindi mo ako ginirlfriend para gawing utusan."
"This was her usual answer kada may utos ako sa kanya plus dinadagdag nya na kahit pa pakasalan ko sya di sya magpapakayaya para sakin. So napaisip ako, bakit di ako mag hire ng yaya," saad pa niya.
Nag-hire daw siya ng yaya na may sahod na P25,000, mas mataas kumpara sa sinasahod ng girlfriend niya na sa P20,000 lang.
"I said kulang oras ko, gusto ko mag bigay ng way para sa hobby so my petty ass hired someone with pay na mas mataas sa salary nya. She's only getting like 20ksomething sa work nya, ang bayad ko sa yaya 25k," kuwento ng lalaki.
Dagdag pa niya, "Nagalit sya nung nalaman nya, tsaka sya nag iiiyak na naiinsecure sya sa yaya kasi lagi akong kasama, at the same time ang asta nya walang pakealam sakin at ayaw mag effort, lagi syang nag bebedrot expecting ako din para sa kanya. Nanghinayang at nangliit pa sya kasi yung pinapasahod ko mataas sa sahod nya, sabi ko pwede ko sa kanya ibigay pero hindi sya yaya so sorry na lang."
"Sobrang dami naming away maraming beses syang umiyak sa panliliit, selos at insecurity. Kaninang umaga nag empake na sya at nakipag hiwalay. Wala nang palamunin sa pamamahay ko.
"Oo, hindi din sya nag babayad ng bills, all she does ay humiga sa bed para mag work at phone, fuck empathy."
![](https://cdn.balita.net.ph/balita/uploads/images/2025/02/08/8720.png)
Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang post.
"25k well spent. 100% nalinis yung bahay, including mga peste."
"What? Hiniwalayan mo agad? Pano naman namin sasabihing hiwalayan mo na kung wala na pala kayo? Hahaha pero congrats OP, good riddance."
"Kabaligtaran sya ng misis ko, kumuha na nga ako ng kasambahay namin si Misis parin gumagawa ng ibang house chores"
"Remember, madali lang mag acts of service para sa taong mahal mo. Lalo na kung tulungan pa kayo at walang pabigat So tama lang yan op!"
"What a satisfying read. F that princess type shih tzu mix. Also, 25k para sa yaya, baka need mo ng driver tagabuhat at bodyguard?"
"In the long run, you will not regret what you did. Your ex seemed like an inconsiderate person and magiging pabigat lang sa iyo. I hope you choose someone more considerate than your ex in the future. The future is bright! :)"
"Always remember that a right women will be always happy to serve for their man even in a simplest way or sa gawaing bahay man yan. Maski ako kung ako lalake, mauumay ako sakanyan, it's not that u r not being reciprocated or wala syang utang na loob pero, pero kahit manlang bumalanse sya or bumawi sya sa ibang bagay"