February 08, 2025

Home BALITA National

Kasong isasampa kina HS Romualdez—laban sa 'korapsyon' at hindi pamumulitika

Kasong isasampa kina HS Romualdez<b>—laban sa 'korapsyon' at hindi pamumulitika</b>
Photo courtesy: Kate Garcia/Balita

May nilinaw sina Davao 1st district Pantaleon Alvarez at senatorial aspirant Atty. Jimmy Bondoc na wala umanong halong pamumulitika sa isinusulong nilang kaso laban kina House Speaker Martin Romualdez at iba pa.

KAUGNAY NA BALITA: HS Romualdez at iba pang mambabatas, isinusulong na kasuhan!

Sa isinagawang media forum kasama sina Atty. Ferdie Topacio at Mr. Diego Magpantay, Presidente ng Citizens Crime Watch (CCW) nitong Sabado, Pebrero 8, 2025, kinlaro nina Alvarez at Bondoc ang pagsasampa nila ng falsification of legislative case.

“Itong pag-file namin ng criminal cases, hindi po kasama sa pulitika ito. Malinaw na may krimen na nangyari. Malinaw na Martin Romualdez, Zaldy Co at Mr. Dalipe committed a crime against the Republic of the Philippines. Hiwalay po natin ang pulitika dito. Mag-focus po tayo doon sa krimen na nangyari,” saad ni Alvarez. 

National

4.6 magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental

Bagama’t hind raw palaging naiiwasang idikit ang pulitika, iginiit naman ni Bondoc na ang kanila raw isinusulong ay paraan umano ng paglaban sa korapsyon.“We are really fighting against corruption here that is, nasa institusyon no? Wala po ‘tong kinalaman sa pulitika, very little to do with the politics. Napakalinaw po as a lawyer. I’m speaking as a lawyer, na lahat po ng elemento ng falsification of legislative documents ay naririto. Dahil yung GAA po, ang problema natin dito, is napaka-technical, kaya hindi po nakikita ng taumbayan yung paglilimas natin,” saad ni Bondoc. 

Dagdag pa ni Bondoc, “Ang trabaho natin dito in filing the case, ay para bigyan ng ilaw, ng liwanag kung ano ba ang specific mechanism ng korapsyon? At kung paano nililimas, kasi lahat tayo ginagamit ‘yan. Nililimas ang kaban ng bayan.” 

Matatandaang pumutok ang isyu hinggil sa umano'y pagkakaroon umano ng blanko sa bicam report matapos itong isiwalat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang episode ng Basta Dabawenyo.

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'