Tahasang iginiit ni Atty. Ferdie Topacio na pinilit umano ng House of Representatives na maisulong ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte upang matabunan lang aniya ang isyu ng kontrobersyal na bicameral report kaugnay ng 2025 national budget.
Saad ni Topacio sa isang media forum na isinagawa nitong Sabado, Pebrero 8, 2025, taktika lamang umano ito upang matabunan ang usapin ng nasabing bicam report.
“Sa laki ng problema nila, palagay ko that is the reason why isinulong nila kahit kapos na sa oras yung impeachment eh. Para matabunan ito, para mapag-usapan. Para yung opposition ang nasa defensive, instead of us being in the offensive,” ani Topacio.
Nitong Sabado, inihayag sa naturang media forum ang kasong isasampa ng Citizens Crime Watch (CCW) laban kina House Speaker Martin Romualdez Ako Bicol Rep. Elizalde Co at Zamboanga Rep. Mannix Dalipe.
KAUGNAY NA BALITA: HS Romualdez at iba pang mambabatas, isinusulong na kasuhan!
Matatandaang pumutok ang isyu hinggil sa umano'y pagkakaroon umano ng blanko sa bicam report matapos itong isiwalat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang episode ng Basta Dabawenyo.
KAUGNAY NA BALITA: : FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'
Samantala, nilinaw naman ng grupo nina Topacio na wala raw kinalaman sa pulitika ang kanilang isinusulong laban kina Romualdez at iba pa.
KAUGNAY NA BALITA: Kasong isasampa kina HS Romualdez—laban sa 'korapsyon' at hindi pamumulitika