February 08, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: 5 pagkaing pampagana sa kama

ALAMIN: 5 pagkaing pampagana sa kama
Freepik

Mahalagang bahagi ng romantikong relasyon ang sex o pakikipagtalik lalo na sa mag-asawa. Pinagtitibay nito ang pagmamahalang nabuo sa loob ng ilang taon. 

Kaya naman upang makapaghanda sa "umaatikabong bakbakan" sa darating na Valentine's day, maaaring simulan ito sa pagkonsumo ng limang pagkaing nasa ibaba upang maibalik ang pagnanasang nawala.

1. Oysters

Ayon sa isang online article ng Healthline, ang oysters ay mayaman sa zinc na nakakatulong upang mapalakas ang daloy ng dugo sa mga sex organ. 

Human-Interest

KILALANIN: Ang content creator na nasa likod ng kakaibang 'Pranking styles'

Mahalaga rin umano ang zinc sa fetility ng mga lalaki para ma-regulate ang testerones level. Dahil kung may zinc deficiency daw ang isang tao, malaki ang posibilidad na magkaroon ito ng negatibong epekto sa sa kaniyang testosterones level.

2. Pakwan

Ayon kay Doc Willie Ong, may component o sangkap umano ang pakwan na lumilikha ng arginine na pinapabuka at pinapa-relax ang mga ugat sa katawan ng tao. 

“Itong arginine, pinapabuka [at] pinapa-relax ‘yong mga ugat natin sa katawan. Kasama na ‘yong ugat do’n sa male organ,” aniya.

Dagdag pa niya: “Kaya ‘yong epekto ng pakwan ay medyo kahalintulad sa epekto ng viagra.” 

3. Sili

Nagtataglay ang sili ng tinatawag na capsaicin na nakakatulong umano para makaramdam ng init ang isang tao at bumilis ang daloy ng kaniyang dugo na magiging dahilan ng paninigas ng ari niya. 

Kaya minsan, kung mapapansin, kapag kumain daw ng maaanghang na pagkain, naipagkakamali na nakakaramdam ang isang tao ng sexual arousal.

4.Salmon

Ang matatabang isdang tulad ng salmon ay mataas sa omega-3 fatty acids na responsable sa pagpo-produce ng dopamine. Ito ay kilala bilang “feel-good” hormone na nagbibigay sa tao ng sense of pleasure lalo na sa mga pagkakataong naaabot ang rurok ng kaluwalhatian.

"It also elevates mood, and more relaxed people are in the mood for sex more often," saad ng sex expert at yogi na si Psalm Isadora.

5. Mansanas

Sa isang pag-aaral umano noong 2014, lumilitaw na ang pagkain ng mansanas ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng magandang sex life ng kababaihan. Nakapagbibigay daw kasi ang phloridzin na matatagpuan sa mansanas ng higit na libog, sexual function, at lubrication o pampadulas.