Nagsalita na si Vice President Sara matapos siyang i-impeach ng House of Representatives noong Miyerkules, Pebrero 5, 2025.
BASAHIN: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
Humarap sa media si Duterte nitong Biyernes, Pebrero 7, para tugunin ang mga humihingi ng kaniyang reaksyon at komento hinggil sa kaniyang impeachment.
"Ang tanging masasabi ko na lamang sa puntong ito ay God save the Philippines," simpleng saad ng bise presidente.
Samantala, nagpasalamat si Duterte sa mga patuloy na sumusuporta, nagtitiwala, at nagmamahal sa kaniya.
"Manalig kayo dahil sa taumbayan ang tagumpay," aniya pa.
Na-impeach ang bise presidente matapos lumagda sa ikaapat na impeachment complaint ang 215 mambabatas.
BASAHIN: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
Noong Huwebes, Pebrero 6, iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na hindi naman lahat ng mga dumalo sa plenary session noong Miyerkules, Pebrero 5, ay lumagda sa impeachment complaint.
"Hindi totoo na may mga pilitan. In fact, may mga dumalo nga doon na hindi pumirma. Wala naman pumilit sa kanila," giit ni Castro.
BASAHIN: Mga mambabatas, 'di pinilit lumagda sa impeachment vs VP Sara – Castro
Sa 215 kongresista, si Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos, anak ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang umano'y unang pumirma sa impeachment complaint laban kay Duterte.
BASAHIN: Sandro Marcos, unang pumirma sa impeachment complaint vs VP Sara
Ipinahayag naman ni PBBM na sumangguni sa kaniya ang anak.
BASAHIN: PBBM, inaming sumangguni si Rep. Sandro sa pagpirma sa impeachment laban kay VP Sara