Umapela ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa mga public official na tiyaking mananaig ang katotohanan at hustisya, kasunod na rin ng ginawang pag-impeach ng Kamara kay Vice Pres. Sara Duterte noong Miyerkules, Pebrero 5.
Kasabay nito, hinikayat ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, na siya ring pangulo ng Caritas Philippines, ang mga mambabatas na sa pagsulong ng impeachment ay gawing prayoridad ang kapakanan ng publiko at huwag hayaang matakpan ito ng pampolitikal na pagkakawatak-watak.
“We call on all public officials to uphold the truth and ensure that justice prevails,” ani Bagaforo. “We must not let political divisions overshadow our primary concern: the welfare of our people.”
Muli rin namang tiniyak ng Caritas ang kanilang commitment na isulong ang ethical leadership at participatory democracy.
Panawagan pa ng obispo, “We call on the faithful and all sectors of society to remain vigilant, prayerful, and actively engaged in protecting our democratic principles.”
“As we navigate this critical period, let us work together to build a society that upholds truth, justice, and the dignity of every Filipino,” aniya pa.
Na-impeach ang bise presidente matapos lumagda sa ikaapat na impeachment complaint ang 215 mambabatas.
BASAHIN: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
Samantala, nagsalita na si Duterte nitong Biyernes, Pebrero 7, hinggil sa kaniyang impeachment.
BASAHIN: VP Sara sa kaniyang impeachment: 'God saved the Philippines'