February 08, 2025

Home BALITA National

‘Do your duty!’ Rep. Sandro, ibinahagi payo ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara

‘Do your duty!’ Rep. Sandro, ibinahagi payo ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara
(MB file photo)

Ibinahagi ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos ang naging payo sa kaniya ng amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa nilagdaan niyang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Pebrero 7, sinabi ni Rep. Sandro na hiningi niya ang payo ng kaniyang ama nang magpirmahan na raw ang mga miyembro ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Duterte.

“Well, katulad po sa sinabi ng ating Pangulo ay noong nagpirmahan na sa impeachment complaint, ay tinanong ko siya kung ano bang advice niya. And tama naman yung sinabi niya," aniya.

Pinayuhan naman daw siya ni PBBM na gawin ang kaniyang tungkulin bilang kongresista at isulong ang kaniyang sinumpaan sa Konstitusyon.

National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“He said do your duty as a congressman and uphold your oath to the Constitution that you swore to protect," ani Rep. Marcos

"And it is my constitutional duty to go through the impeachment process as an elected representative," dagdag pa niya.

Samantala, sinabi rin ng mambabatas na pumirma siya sa impeachment complaint dahil sa naging pahayag ni Duterte noong Nobyembre 2024 na gusto umano niyang hukayin ang libingan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr, na lolo ng kongresista.

Bukod dito, binanggit din ni Rep. Sandro na isa ring rason sa pagsang-ayon niya sa impeachment ang pahayag ni Duterte noong ding Nobyembre na mayroon na raw siyang taong binilinan na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito sina PBBM, First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: Rep. Sandro, unang pumirma ng impeachment vs VP Sara dahil umano sa 'death threat' sa mga magulang niya

Matatandaang si Rep. Sandro ang una sa 214 pang mga kongresistang lumagda sa impeachment laban kay Duterte na iniakyat na sa Senado noong Miyerkules, Pebrero 5.

Samantala, nito lamang ding Biyernes nang isiwalat ni House Secretary General Reginald Velasco na nadagdagan pa ng 25 mambabatas ang mga lumagda sa nasabing reklamo ng pagpapatalsik kay Duterte.

MAKI-BALITA: 240 na! 25 pang mambabatas, pumirma sa impeachment complaints ni VP Sara

Nagsalita naman ang bise nito ring Biyernes hinggil sa naturang impeachment complaint na kaniyang kinahaharap.

MAKI-BALITA: VP Sara sa kaniyang impeachment: 'God save the Philippines'