Nagdagdagan pa ang mga pumirma sa impeachment complaints laban may Vice President Sara Duterte, ayon kay House Secretary General Reginald Velasco nitong Biyernes, Pebrero 7.
Sa isang pahayag sinabi ni Velasco ang 25 mambabatas na humabol ng kanilang pirma ay hindi nakadalo noong Miyerkules, Pebrero 5, araw na pumirma ang 215 mambabatas upang i-impeach si Duterte.
BASAHIN: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
"These lawmakers were unable to attend the initial oath-taking and verification due to prior commitments abroad or in their districts. However, they have sent their verifications to formalize their support for the proceedings," ani Velasco.
Narito ang listahan ng 25 mambabatas:
1. Rep. Marlyn Alonte - City of Biñan, Lone District
2. Rep. Ramon Nolasco Jr. - Cagayan, 1st District
3. Rep. Tonypet Albano - Isabela, 1st District
4. Rep. Mohamad Khalid Dimaporo - Lanao del Norte, 1st District
5. Rep. Carl Nicolas Cari - Leyte, 5th District
6. Rep. Richard Kho - Masbate, 1st District
7. Rep. Olga “Ara” Kho - Masbate, 2nd District
8. Rep. Wilton Kho - Masbate, 3rd District
9. Rep. Emilio Bernardino Yulo - Negros Occidental, 5th District
10. Rep. Midy Cua - Quirino, Lone District
11. Rep. Princess Rihan M. Sakaluran - Sultan Kudarat, 1st District
12. Rep. Ramon Guico Jr. - Pangasinan, 5th District
13. Rep. Arthur Celeste - Pangasinan, 1st District
14. Rep. Adrian Jay Advincula - Cavite, 3rd District
15. Rep. Noel “Bong” Rivera - Tarlac, 3rd District
16. Rep. Christian Tell Yap - Tarlar, 2nd District
17. Rep. Alfonso Umali Jr. - Oriental Mindoro, 2nd District
18. Rep. Zaldy Co - AKO BICOL
19. Rep. Sonny Lagon - AKO BISAYA
20. Rep. Jose Gay Padiernos - GP PARTY
21. Rep. Richelle Singson - AKO ILOCANO AKO
22. Rep. Ron Salo - KABAYAN
23. Rep. Caroline Tanchay - SAGIP
24. Rep. Robert Raymund Estrella - ABONO
25. Rep. Edvic Yap - ACT-CIS
Dahil sa karagdagang pirma, umabot na sa 240 mambabatas ang pabor sa impeachment ni Duterte.
Matatandaang kinakailangan lamang ng 102 na pirma upang maiakyat sa Senado ang naturang complaints.
Sa naunang 215 kongresista, si Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos, anak ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang umano'y unang pumirma sa impeachment complaint laban kay Duterte.
BASAHIN: Sandro Marcos, unang pumirma sa impeachment complaint vs VP Sara
Iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na hindi naman lahat ng mga dumalo sa plenary session noong Miyerkules, Pebrero 5, ay lumagda sa impeachment complaint.
"Hindi totoo na may mga pilitan. In fact, may mga dumalo nga doon na hindi pumirma. Wala naman pumilit sa kanila," giit ni Castro.
BASAHIN: Mga mambabatas, 'di pinilit lumagda sa impeachment vs VP Sara – Castro