February 06, 2025

Home BALITA National

Romualdez sa mga kandidato sa eleksyon: ‘Campaign in the pursuit of purpose, not power’

Romualdez sa mga kandidato sa eleksyon: ‘Campaign in the pursuit of purpose, not power’
House Speaker Martin Romualdez (file photo)

“The people’s voice is sovereign…”

Ito ang pahayag ni House Speaker Martin Romualdez sa mga kandidato sa 2025 midterm elections matapos niyang paalalahanan ang mga itong mangampanya hindi para sa “power” kundi para sa “purpose.”

Sinabi ito ni Romualdez sa kaniyang talumpati nitong Miyerkules, Pebrero 5, sa pagsasara ng plenary session para sa susunod na apat na buwan.

"Ahead lies another democratic exercise, the 2025 elections, a moment when the will of the people once again takes center stage," ani Romualdez.

National

Senado, 'magbibingi-bingihan' sa mga pabor at 'di pabor sa impeachment kay VP Sara<b>—SP Chiz</b>

"To those who will offer themselves in service, I say this: campaign not in the pursuit of power but in the pursuit of purpose. Engage not in division but in discourse. Seek not victory for yourselves but vindication for the ideals we have fought for together.”

Ayon pa sa House leader, “sagrado” umano ang tiwala ng taumbayan na dapat na hindi binibigo.

"The people’s voice is sovereign. Their trust is sacred. Their mandate is our marching order,” saad ni Romualdez.

Muling kakandidato si Romualdez para sa kaniyang reelection bid bilang kinatawan ng unang distrito ng Leyte sa House of Representatives.

Inaasahang walang makakalaban ang mambabatas matapos ianunsyo ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia kamakailan na “disqualified” sa darating na eleksyon ang makakatunggali sana niya dahil hindi raw ito rehistradong botante ng Tacloban.

MAKI-BALITA: Makakalaban sana ni Romualdez bilang kongresista, ‘disqualified’ sa eleksyon – Comelec