February 06, 2025

Home BALITA

Rep. Castro, 'ngiting wagi' sa impeachment ni VP Sara sa HOR

Rep. Castro, 'ngiting wagi' sa impeachment ni VP Sara sa HOR
Photo courtesy: Teacher France Castro (FB)/Screenshot from House of Representatives (FB)

"NGITING WAGI!"

Iyan ang panimulang caption ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Representative France Castro matapos tuluyang mai-impeach sa House of Representatives si Vice President Sara Duterte, Miyerkules, Pebrero 5, matapos pumabor ng 215 solons kontra sa bise presidente.

Makikita sa Facebook post ni Castro ang larawan nila nina Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, tatlo sa 215 representatives na lumagda sa impeachment complaint laban kay VP Sara. Bukod dito, tatlo rin sila sa mga naunang nagsulong na kumilos na ang Kamara para sa impeachment cases ng pangalawang pangulo.

Mababasa sa post ni Castro, "Ngayong ika-5 ng Pebrero, sa huling sesyon ng House of Representatives, ay matagumpay tayo sa ating panawagang i-impeach si VP Sara Duterte! Resulta ito ng ating malakas na kolektibong pagkilos laban sa korapsyon, kahirapan, at kawalang pananagutan!"

Metro

Planong pagtanggal sa EDSA bus lane, inulan ng samu't saring reaksiyon

"Pero hindi pa tapos ang laban, mga beshie!" giit pa ni Castro.

"Bantayan natin nang maigi ang impeachment trial sa Senado! Hindi tayo matitinag sa ating laban para tuluyang ma-impeach at mapanagot si Sara Duterte!"

"TULOY ANG LABAN!" giit pa niya.

Matatandaaang bandang hapon ay nagtungo agad ang Secretary General ng House of Representatives na si Reginald Velasco upang i-transmit ang impeachment files kay Senate Secretary Atty. Renato N. Bantug Jr., sa Office of the Senate Secretary sa Pasay City, bandang hapon ng Miyerkules, Pebrero 5.

Samantala, sa naganap na "Kapihan sa Senado," Huwebes, Pebrero 6, sinagot ni Senate President Chiz Escudero ang ilang mga umano'y puna sa Senado kung bakit nag-adjourn kaagad ang sesyon noong Lunes nang hindi pinag-usapan ang tungkol sa impeachment.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Listahan ng solons na pumirma sa impeachment laban kay VP Sara