Bumuhos ang iba’t ibang reaksiyon at komento sa umano’y plano ng pamahalaan na tuluyang tanggalin ang EDSA bus lane kaugnay ng Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP).
Matatandaang noong Miyerkules, Pebrero 5, 2025, nang ihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes ang nasabing plano sa EDSA bus lane kung sakali raw na tuluyang maisaayos ng pamahalaan ang train system ng bansa bilang alternatibong pampublikong transportasyon.
“If the MRT can take in bus carousel passengers, it would free up an entire lane on EDSA. One proposal is to repurpose that lane for high-occupancy vehicles, similar to carpool lanes in Los Angeles, where only vehicles with three or four passengers can use it,” ani Artes.
KAUGNAY NA BALITA: EDSA bus lane kinokonsiderang tanggalin; mga pasahero, sasaluhin ng MRT?—MMDA
Kaugnay ng nasabing plano, tila maraming netizens ang naglabas ng kanilang pagkadismaya kung tatanggalin pa umano ang EDSA bus lane.
“Kawawang ordinaryong commuter kapag natanggal yung EDSA carousel bus lane.”
“Ayaw talaga nila nang maayos hahahaha. Binababoy yung sistema.”
“Gusto talaga nila na nahihirapan ang mga mananakay.”
“Ang daming napag-sisilbihan ng EDSA carousel na ‘yan, tatanggalin nyo?
“Kawawang tayong commuters lalong dadami ang sasakyan sa EDSA.”
“Over capacity na nga ang MRT eh, kahit dagdagan niyo pa ang tren niyan.”
Samantala, nilinaw rin ng MMDA na wala pa umanong petsa kung kailan nila ikakasa ang nasabing pagtanggal sa EDSA busway.