Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng mga kawani at ahensya ng pamahalaan na palaging isulong ang “accountability” sa kani-kanilang mga komunidad.
Sa ginanap na plenary opening ng 2025 Open Government Partnership (OGP) Asia and the Pacific Regional Meeting sa Taguig City nitong Huwebes, Pebrero 6, na inulat ng Manila Bulletin, binanggit ni Marcos ang kahalagahan ng pagiging bahagi ng mga ahensya ng gobyerno at international partners para sa bukas na pamamahala.
"Join the conversation. Be advocates of accountability in your own communities. Be part of the global commitment to open governance," ani Marcos.
"Let us foster a deeper trust amongst each other that can only be earned through impactful dialogues, concrete actions, and genuine support.”
Sinabi rin ng pangulo sa mga dumalo na mahalagang alalahanin ang kapangyarihan ng kolaborasyon, lalo na raw sa pagtugon sa mga pagsubok sa pamamahala ngayong 21st century.
"May we see the grand opportunity we have today and use it to send a powerful message to the world: that open governance is fundamental to prosperity, to stability, and to security in a rapidly transforming world," saad ni Marcos.
Ang OGP ay isang global initiative na naglalayong gawing mas “transparent, accountable, at responsive” ang mga ahensya ng pamahalaan.