Pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang termino ni Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil nang apat pang buwan.
Inanunsyo ito ng Malacañang nitong Huwebes, Pebrero 6.
Base sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Pebrero 4 at naka-address kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla, magiging epektibo ang pagpapalawig ng termino ni Marbil sa Biyernes, Pebrero 7.
Pebrero 7 o ang ika-56 na kaarawan ni Marbil ang nakatakda sana niyang pagre-retire dahil sa mandatory retirement age na 56.
Samantala, matatandaang noong Enero 20 nang ihayag ni Marcos na kinokonsidera niyang palawigin ang termino ni Marbil dahil nakikita raw nilang hindi magiging maganda kung magpapalit ng liderato sa PNP sa gitna ng panahon ng kampanya para sa paparating na 2025 midterm elections sa Mayo.
MAKI-BALITA: PBBM, kinokonsiderang i-extend termino ni Marbil bilang PNP chief