Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na nasa tinatayang 14 milyong kopya na ng balota ang kanilang naimprenta.
Batay sa kumpirmasyon ng Comelec nitong Huwebes, Pebrero 6, 2025, nasa 20.45% o katumbas ng 14,747,766 na ng mga balota ang kanilang naimprenta mula sa 72 milyong kabuoang bilang na kailangan, para sa darating na National and Local Elections (NLE) sa Mayo.
Target umano ng komisyon na makumpleto ang kopya ng mga balota hanggang Abril 14 kung saan inaasahang makakapag-imprenta raw sila ng hanggang 1.8 milyong kopya nito kada-araw.
Matatandaang muling nagsimulang mag-imprenta ng mga balota ang Comelec noong Enero 27.
Samantala, iginiit naman ni Comelec chairman George Erwin Garcia na bagama't mabilis aniya ang imprentasyon ng mga balota, sa proseso umano ng beripikasyon sila nagkakaroon nang pagbagal.
"Mabilis ang printing natin, talagang nababagalan kami ay yung aming verification. Halimbawa, mayroon kaming 2 million to 3 million, mababa po yun. Masyadong nauuna ang printing at nahuhuli ang verification," ani Garcia.