February 06, 2025

Home BALITA Metro

Lalaking kukuha ng police clearance, timbog matapos malamang may pending na 'attempted rape case'

Lalaking kukuha ng police clearance, timbog matapos malamang may pending na 'attempted rape case'
Photo courtesy: Rizal PPO via Manila Bulletin

Tuluyang nasakote ng pulisya ang isang 67 taong gulang na lalaki matapos niyang kumuha ng police clearance habang may nakabinbin pang arrest warrant sa laban sa kaniya.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Huwebes, Pebrero 6, 2025, nangyari ang panghahalay ng suspek sa isang 16-anyos na babae noong Pebrero 2015 sa Binangonan, Rizal.

Batay sa police report, ang biktima ay pamangkin umano ng kaibigan ng suspek. Samantala, dumipensa naman ang suspek at iginiit na may relasyon daw sila ng biktima kung kaya't pumayag daw ito na sumama sa kaniya noon sa isang motel. 

"Eh may gusto rin sa akin yung bata. Nasabi niya rin sa akin... Ginusto rin niya na sasama siya," aanang suspek sa isang panayam. 

Metro

Planong pagtanggal sa EDSA bus lane, inulan ng samu't saring reaksiyon

Bagama't hindi umano lingid sa kaalaman ng suspek na nagsumbong daw ang biktima sa mga magulang at awtoridad, hindi umano inasahan ng suspek na mayroon siyang arrest warrant. 

Ayon kay Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) Director Col. Felipe Maraggun, ibinaba ng Regional Trial Court Branch 38 ng Maynila ang naturang arrest warrant laban sa suspek noong Hunyo 5, 2015. 

Isinalaysay din ng suspek na siya pa umano ang hinoldap noon ng mga magulang ng suspek kung saan natangay daw sa kaniya ang tinatayang ₱4.000.

"Nanghiram po kasi ng pera 'yan sa akin, yung magulang ng babae. Eh ngayon po, hindi ko po napahiram. Hinoldap pa ko eh. Naibigay ko ho yung pera ko na kwatro mil mahighit po yun," saad ng suspek.

Nasa kustodiya na ng Angono Municipal Police Station ang suspek.