February 05, 2025

Home BALITA

Senado, binigyang-pugay sina ex-pres. Erap, misis na si ex-sen. Loi

Senado, binigyang-pugay sina ex-pres. Erap, misis na si ex-sen. Loi
Photo courtesy: Senate of the Philippines (FB)

Pinarangalan at kinilala ng Senado ang kontribusyon sa bansa nina dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada at dating Senadora Loi Ejercito-Estrada sa pamamagitan ng isang resolusyon, Martes, Pebrero 4.

Mababasa sa post sa opisyal na Facebook page ng Senate of the Philippines, "The chamber adopted Resolutions 250 and 251, as senators commended former President Estrada and his wife for their contributions to the country, particularly their advocacy for poor Filipinos and their defense of sovereignty."

Binasa naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito-Estrada ang talumpati ng kaniyang ama.

"I am grateful to my colleagues, both past and present, for the lessons learned and the friendships formed," the former President said in accepting the Senate's recognition."

Sen. Bato handa raw maging patas sa impeachment trial ni VP Sara

"Higit sa lahat, maraming salamat sa sambayanang Pilipino sa tiwala, pagmamahal, at suporta sa loob ng maraming taon. Paulit-ulit kong sasabihin na nabuhay at mamamatay si Erap na hindi makakabayad ng utang na loob sa ating mahirap at mga kapus-palad na mga kababayan," dagdag pa.