Pinangunahan umano ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos ang higit 200 kongresista sa paghahain ng ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Pebrero 5.
Isiniwalat ito ng isang source, ayon sa ulat ng Manila Bulletin, matapos kumpirmahin ni House Secretary General Reginald Velasco na nakakuha ng higit sa sapat na bilang ng pirma ang impeachment complaint.
Noong Lunes, Pebrero, muling iginiit ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakahaing impeachment complaints laban kay Duterted ahil ito raw ay “prerogative” lamang ng House of Representatives.
Nitong Miyerkules ng hapon, tuluyan nang inimpeach ng House of Representatives si Duterte matapos pirmahan ng 215 miyembro nito ang ikaapat na impeachment complaint.
BASAHIN: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
Sakaling mapasakamay na ng Senado ang Articles of Impeachment, sila ay magpupulong sa impeachment trial court upang matukoy kung "guilty" si Duterte.