January 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking hinihinalang kabit, patay matapos tagain sa leeg ng kaniyang katrabaho

Lalaking hinihinalang kabit, patay matapos tagain sa leeg ng kaniyang katrabaho
Photo courtesy: Pexels

Patay sa ang isang lalaki matapos siyang tagain sa leeg ng kaniyang katrabaho sa Compostela, Cebu.

Ayon sa ulat ng 95.7 Brigada News FM Koronadal noong Martes, Pebrero 5, 2025, galing umano sa inuman ang biktima na noo’y pauwi na sana nang bigla siyang harangin ng suspek at saka tinaga sa leeg. 

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, hinihinalang selos ang motibo ng suspek, na nasakote ng mga awtoridad matapos silang magkasa ng hot pursuit operation. 

Nakita raw ng suspek ang kaniyang misis na may ginagawang milagro kasama ang biktima. Iniwan na rin daw siya ng kaniyang misis bagama’t may mga anak daw silang nag-aaral.

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Nahaharap sa kasong murder ang suspek.