February 05, 2025

Home BALITA

KWF, ipinauurong 'English-Only Policy' ng isang pamantasan; CHED, nakipag-usap na

KWF, ipinauurong 'English-Only Policy' ng isang pamantasan; CHED, nakipag-usap na
Photo Courtesy: Pixabay, KWF,CHED (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) hinggil sa English-Only policy ng isang pamantasan sa Cabuyao, Laguna.

Sa ulat ng Frontline Pilipinas noong Martes, Pebrero 4, sinabi ni KWF Commissioner Benjamin Mendillo, Jr. na dapat daw bawiin ng pamunuan ng pamantasan ang kanilang ibinabang atas dahil taliwas daw ito sa Executive Order 335.

“Ang paglalabas ng ganitong atas ay taliwas sa Executive Order 335 na inaatasan ang lahat ng ahensiya, kawanihan, at instrumentalidad ng pamahalaan na tangkilikin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya. Kaya, dapat bawiin nila ang atas na ito,” saad ni Mendillo. 

Depensa naman ng pangulo ng pamantasan na si Librado Dimaunahan, “We cannot deny that the universal language is English. The instructions during board examinations are done in English.”

Politics

Rep. Pulong sa impeachment case kay VP Sara: 'A clear act of political persecution!'

“Sometimes those who are taking board exams are not able to answer properly because they do not understand what is being asked,” dugtong pa niya.

Samantala, ayon naman kay Commission on Higher Education (CHED) Chair Prospero De Vera, nakipag-usap na raw siya sa pamunuan ng pamantasan.

“I advised him to immediately issue a press release to explain and clarify the issue and to respond to media interviews,” saad ni De Vera.

Dagdag pa niya, “It is best that the media interview him so he can explain the proposed policy.”

Matatandaang umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing panukalang polisiya ng pamantasan kabilang na ang mga manunulat na si Jerry Gracio at public historian na si Xiao Chua.

MAKI-BALITA: 'English Only Policy' ng isang unibersidad sa Laguna, inulan ng reaksiyon