Sinabayan ng kilos-protesta ang naging pagdinig ng House of Representatives (HOR) sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Pebrero 5, 2025.
Ilang grupo at mga progresibong organisasyon ang nagtipon sa harapan ng HOR upang ihayag ang kanilang pagsuporta sa pagkaka-impeach ni VP Sara. Bitbit nila ang panawagang tuluyan umanong ma-convict ang pangalawang pangulo.
Matatandaang na-impeach ang pangalawang pangulo sa kongreso matapos matapos pirmahan ng 215 na miyembro nito ang ikaapat na impeachment complaint na umano’y inihain ng Presidential son at Ilocos Norte 1st district Representative Sandro Marcos.
KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
KAUGNAY NA BALITA: Senate PRIB, pinaghahanda sa posibleng pag-transmit ng impeachment complaints laban kay VP Sara
Sa pagdalo ni si Bayan Muna Chairman and 1st Nominee Former Cong. Neri Colmenares sa nasabing kilo-protesta, inihayag niyang dapat lamang umanong magbuo agad ng impeachment court ang senado.
“Ang senado ay dapat, at ‘yan ang panawagan sa senado: ‘Magpasa agad ng resolusyon ngayong araw!’ Para magbuo ng impeachment court,” ani Colmenares.
Paglilinaw ni Colmenares, oras umanong magbuo ng impeachment court ang senado, maaari daw maituloy ang impeachment trial kay VP Sara kahit na magkaroon pa raw sila ng recess.