Inimpeach na ng House of Representatives si Vice President Sara Duterte matapos pirmahan ng 215 na miyembro nito ang ikaapat na impeachment complaint.
Lagpas na ito mula sa requirement na one-third o 102 mga miyembro ng Kamara upang maka-usad ang impeachment complaint sa Senado.
Ang Articles of Impeachment ay awtomatikong ita-transmit sa Senado para sa paglilitis.
Si Duterte ang kauna-unahang bise presidente sa Pilipinas na inimpeach ng House of Representatives.
Gayunman, ano ang susunod na proseso matapos ma-impeach ng Kamara si Duterte?
BASAHIN: Ano ang susunod na proseso sakaling ma-impeach sa Kamara si VP Sara?