Naglabas ng pahayag ang Restaurant Owners of the Philippines o Resto PH kaugnay sa mga lumalagong bilang mga pekeng Person with Disabilities (PWD) cards.
Sa opisyal na pahayag ng Resto PH na may petsang Pebrero 3, 2025, na ipinost sa kanilang Instagram account ngayong Martes, Pebrero 4, sinabi nila na ang 20% discount na ibinibigay sa mga PWD cardholder ay hindi pasan ng gobyerno kundi ng mga may-ari ng resto mismo.
“Many people don’t realize that it’s not the government covering the 20% discount—it’s the businesses themselves,” pahayag ng Resto PH.
“For restaurants, especially small and family-run ones, this isn't just an inconvenience-it's a financial hit that can mean the difference between survival and closure,” paliwanag nila.
Dagdag pa ng grupo, “When multiple fake PWD cards are used at a single table, the losses can be devastating. This isn't just about lost revenue; it affects employees, food quality, and even menu prices for honest customers.”
Kaya naman, nanawagan ang Resto PH sa publiko na maging patas. Anila, ang discount ay nakakatulong dapat sa mga totoong nangangailangan nito at hindi sa mga nagtitipid lang na nakakaapekto sa maliliit na negosyo.