April 25, 2025

Home BALITA National

Presyo ng imported rice, maaari pang bumaba sa ₱49 kada kilo sa Marso—DA

Presyo ng imported rice, maaari pang bumaba sa ₱49 kada kilo sa Marso—DA
(Manila Bulletin)

Bukod sa ibababa sa ₱55 kada kilo ang presyo ng imported rice ngayong Pebrero 5, maaari pa raw ito bumaba sa ₱49 kada kilo sa susunod na buwan, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa isang press conference nitong Martes, Pebrero 4, sinabi ni Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang maximum suggested retail price ng imported rice ay ibababa sa ₱55 kada kilo na dating ₱58 kada kilo.

BASAHIN: Presyo ng imported rice sa Metro Manila, ibababa ng DA sa ₱55 kada kilo

Hinahangad naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang karagdagang pagbabawas ng MSRP sa mga darating na linggo.

National

'Gagawin nating alaala, kasaysayan na lang ang mahal na bigas!'—Romualdez

Aniya, maaaring bumaba sa ₱49 kada kilo ang imported rice sa Marso.

“After this reduction, we plan to lower it further to ₱52 a kilo by mid-February and then at ₱49 per kilo two weeks after. This should reflect the lower global prices of rice and the reduced tariff,” ani Laurel.