Ibababa sa ₱55 kada kilo ang presyo ng bigas sa Metro Manila, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa isang press conference nitong Martes, Pebrero 4, sinabi ni Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang maximum suggested retail price ng imported rice ay ibababa sa ₱55 kada kilo na dating ₱58 kada kilo.
Una muna itong ipatutupad sa Metro Manila sa Miyerkules, Pebrero 5.
"Sa ngayon ay Metro Manila muna. Tomorrow [Pebrero 5] magiging ₱55 [kada kilo] at plano pa sa susunod na mga linggo na ibaba pa," saad ni De Mesa.
Samantala, ipatutupad ang ₱55 kada kilo ng bigas sa buong bansa sa Pebrero 15.