February 04, 2025

Home BALITA National

‘Out of respect for institutions!’ PBBM, ‘di makikialam sa impeachment vs VP Sara – Malacañang

‘Out of respect for institutions!’ PBBM, ‘di makikialam sa impeachment vs VP Sara – Malacañang
Pres. Bongbong Marcos at VP Sara Duterte (file photo)

Muling iginiit ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakahaing impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte dahil ito raw ay “prerogative” lamang ng House of Representatives.

Sinabi ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang pahayag nitong Lunes ng gabi, Pebrero 4.

“The power to initiate and act on impeachment complaints is the sole prerogative of the House,” ani Bersamin.

“Out of respect for institutions, the President will not interfere in a matter over which a co-equal branch has exclusive jurisdiction,” saad pa niya.

National

Presyo ng imported rice, maaari pang bumaba sa ₱50 kada kilo sa Marso—DA

Matatandaang noong Enero 24 nang itanggi rin ni Bersamin na hinaharangan ni Marcos ang hakbang na pagpapatalsik kay Duterte matapos iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na hindi dapat makialam ang pangulo sa proseso ng impeachment.

MAKI-BALITA: PBBM, hindi hinaharangan impeachment complaints vs VP Sara – Malacañang

MAKI-BALITA: Castro, sinabihan si PBBM na huwag makialam sa proseso ng impeachment vs VP Sara

MAKI-BALITA: PBBM sa impeachment complaints vs VP Sara: 'The timing is very poor'

Sa kasalukuyan ay tatlong impeachment complaints ang nakahain laban sa bise presidente, kung saan sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco nito ring Lunes na ipapadala na nila ang mga reklamo sa opisina ni House Speaker Martin Romualdez ngayong linggo.

MAKI-BALITA: Impeachment complaints vs VP Sara, ipapadala na sa Speaker's office ngayong linggo - Velasco