July 14, 2026

Home SHOWBIZ

Herlene Budol, nagpa-psychiatrist matapos maisyu kay Rob Gomez

Herlene Budol, nagpa-psychiatrist matapos maisyu kay Rob Gomez
Photo Courtesy: Herlene Budol,Rob Gomez (FB)

Ibinahagi ni beauty queen-actress Herlene Budol na lumapit daw siya sa eksperto upang malampasan ang isyung kinaharap niya kasama ang dating ā€œMagandang Dilagā€ co-star niyang si Rob Gomez.

Sa ginanap na press conference ng ā€œBinibining Marikitā€ noong Lunes, Pebrero 3, sinabi ni Herlene na sumailalim daw siya sa psychological therapy.

ā€œNagpa-psych ako para mas ma-process siya nang maayos sa 'kin [kung] bakit may mga ganoong klaseng tao na kailangan kang hilahin pababa,ā€ saad ni Herlene.

Dagdag pa niya, ā€œMabigat po na paratang sa akin kaya mahirap ā€˜yung sitwasyon ko noon.ā€

Pero sa kasalukuyan, naka-move on na raw si Herlene at nagpo-focus na lang sa pagpapaunlad ng kaniyang craft bilang aktres.

Tsika at Intriga

Pagtambak ng basura sa lupain ng mga Ayta, pinaalingasaw ni Kara David!

Matatandaang bago matapos ang 2023 ay nag-trending ang pangalan ni Rob dahil sa kumalat na screenshots ng pakikipagpalitan niya ng mensahe kina Herlene, Bianca Manalo, at Pearl Gonzales.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Pare-pareho namang nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon ang mga sangkot na personalidad sa naturang isyu na ipinukol sa kanila ng mga netizen.

MAKI-BALITA: Herlene Budol sa isyu nila ni Rob Gomez: ā€˜Hindi ako hayok sa laman’

MAKI-BALITA: Rob Gomez, tinuruan ng kaniyang inang si Kate na rumespeto ng babae

MAKI-BALITA: Bianca Manalo sinabing magbibigay lang daw ng Christmas gift si Rob Gomez