February 04, 2025

Home FEATURES Trending

'Bulag sa red flag' Misis, nagsisising pinakasalan mister niyang feeling binata pa rin

'Bulag sa red flag' Misis, nagsisising pinakasalan mister niyang feeling binata pa rin
photos courtesy: Pexels, Freepik, Reddit

Nagsisisi raw ang isang misis na pinakasalan niya ang "feeling binata at walang sense of responsibility" niyang mister. 

Sa rant post niya sa online community na reddit, aminado naman siyang dinedma niya ng mga red flag ng kaniyang mister. 

"I just want to vent out my frustration. Nagsisisi akong nagpakasal ako, nagpakabulag ako sa red flag ng partner ko. Feeling buhay binata, walang sense of responsibility. Narcissist pero dinedma ko. Hindi ko alam na ganito pala magiging future ko," saad ng original poster. 

Ibinahagi rin niya na nag-resign siya dahil nanganak siya. At may pagkakataon daw na kinompronta niya ang mister niya tungkol sa lifestyle at financial issue nito. 

Trending

Bardagulan sa harap ng mall sa Calamba, dahil sa 'love triangle?'

"I don’t have my own money since nag resign ako dahil nanganak ako. Parang I need to beg money para bigyan lang nya ko ng pera. Kahapon confront ko sya about his lifestyle and financial issue, tumawag sakin galit na galit alam ko daw nasa outing sya i message ko sya ng ganon. I was like wow binatang binata samantalang ako puyat at stress dahil sa baby namin," aniya.

Dagdag pa ng misis, hihiwalayan na raw niya ang asawa niya at gagawa na lang daw sila ng agreement para sa sustento ng anak nila. 

"I finally made up my mind hihiwalayan ko na sya, gagawa nalang kami ng agreement para sa sustento sa anak namin. Bibigay ko sakanya gusto nya. Buhay binata pala ang nais. HAHAHAHA."

Sa huling bahagi ng post, ang red flag daw na sinasabi niya ay no'ng magjowa pa lang sila. Bukod dito, 'yong financial issue at pagka-mama's boy daw ng mister niya ay lumabas lang no'ng ikinasal sila at nagkaanak.

"P.S Yung red flag pala na sinasabi ko nung mag gf / bf palang kami is maraming tropa na bad influence (kasama dito tito nya na role model nya din na feeling binata din ) and magastos. About the financial issue and pagka mama’s boy ngayon lang lumabas after marriage and panganganak ko," aniya.

"Yes dinendma ko yung red flag na yun since nag promise sya upon proposal nya na in the future kami na priorities tatanggalin na barkada. Pero never pala mangyayari HAHAHA," saad pa niya sa comment section. 

Samantala, umano ng mga komento mula sa iba pang reddit users ang naturang rant post. 

"something with men instantly changing during marriage is truly something na dapat pag aralan.. kase andaming cases?!"

"Actually, marriage doesnt change a person. Marriage actually AMPLIFIES the kind of person that one really is. Kaya nga sabi ni OP nagpabulag sya sa red flags. Therefore matagal nang meron un hnd lang nia inayos decisions nia, pinakasalan pa"

"Not true. Change is difficult, whether positive or negative. Its more like the men certain women choses are already problematic. Props to OP for recognizing this although too late. Redflags are there from the beginning, like OP said, she just ignored them. The guy didnt change after the marriage, their circumstances just made them more obvious now."

"Hindi nagbabago mga lalaki, mas nilalabas lang nila totoong ugali nila kapag kasal na. May mga red flags na yan bago magpakasal pero madaming babae na nagpapaniwala na magbabago agad, na nagpakasal without waiting for their SO to prove themselves. Ayun, doomsday kinalabasan."

"Nasa outing sya at katatapos mo lang manganak? I can't wrap my head around it."

"Kaya okay din talaga para saken yung live-in muna bago kasal. Eye opener kasi yun. Best way to confirm red flags tapos andali pa makipag-hiwalay kasi wala naman legal commitment pa."

"Dito mo masasabi na totoo tlaga ang kasabihan na "ang pag aasawa ay hindi parang kanin na kapag napaso madaling iluwa""

"Di mo to nakita nung bf/gf palang? Good for you. Hiwalayan mo nga nang maobliga sya magsustento. Dapat dyan sinusumbong sa magulang nya nang macall out. Kapal ng mukha magpakabinata e may anak na pala kayo."