Makalipas ang lagpas isang taon ay muling nagparamdam sa social media ang kontrobersiyal na dancer, toy collector, at social media personality na si Yexel Sebastian, para linawin ang ilang mga isyu patungkol sa kaniya.
Sa kaniyang social media posts noong Enero 31, 2025, muling ipinagdiinan ni Yexel na walang kaso, walang hold departure, walang warrant of arrest, at hindi sila wanted ng kaniyang partner na si Mikee Agustin matapos silang masangkot sa umano'y ₱200M investment scam noong 2023.
Mababasa sa kaniyang post, "To Family and Friends isama nadin natin un mga nakiki chismis at usyoso lang
Mula umalis kami ng Pilipinas, Oct 9 2023 hanggang sa kasalukyan January 31 2025."
"'Wala po kaming Kaso'"
"'Wala po kaming Hold Departure'"
"'Wala pong kaming Warrant of arrest' at hindi po kami wanted.'"
"'UP TO NOW'"
"'Opo hanggang sa kasalukuyan'" giit niya.
Paliwanag pa ni Yexel, pinalaki lamang daw ito ng isang di-pinangalanang "mapanghusga at papoging broadcast journalist," media personalities, influencers, vloggers, at iba pang mainstream media.
Nabanggit pa ni Yexel ang iba pang mga celebrity na nakasuhan matapos masangkot sa isyu ng umano'y investment scam gaya nina Neri Naig, Rufa Mae Quinto, at Ken Chan.
Nilinaw rin ni Yexel na matagal niyang binuo ang pangalan niya hindi para manloko ng tao.
Sa huli, tila positibo ang pananaw ni Yexel na matatapos din ang lahat ng mga pinagdaraanan nila ng kaniyang partner na si Mikee.
Matatandaang nabuking ang tungkol sa umano'y investment scam nang lumapit sa programa ni Sen. Raffy Tulfo ang ilang investors na inirereklamo si Yexel.
MAKI-BALITA: Yexel ipinagtanggol sarili, misis kaugnay ng ₱200-M investment scam
MAKI-BALITA: Yexel Sebastian wala pang statement sa mga akusasyon laban sa kanila ng misis
Agad namang nagpaliwanag si Yexel at itinanggi ang mga alegasyon laban sa kaniya.
MAKI-BALITA: Yexel Sebastian, Mikee Agustin nakalabas ng bansa; netizens, nagwala
MAKI-BALITA: Yexel Sebastian dinepensahan paglabas ng bansa: 'Wala kami ni isang kaso!'
Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa sina Yexel at Mikee.