May 20, 2025

Home SHOWBIZ

'Tayo ay nasa fine dining restaurant' ni Toni Fowler nilaro, ginawan ng versions

'Tayo ay nasa fine dining restaurant' ni Toni Fowler nilaro, ginawan ng versions
Photo courtesy: Screenshots from Davao Conyo, @kristpcream (TikTok)/Macoy Dubs (IG)

Talaga namang patok na patok sa mga netizen ang viral video ng social media personality na si Toni Fowler habang pinagagalitan niya ang isa sa mga miyembro ng ToRo family na si Mikay Marcelo.

Makikita sa video ang sermon ni Toni habang nasa loob sila ng kotse. Mula ito sa lumang episode ng ToRo Family online series ni Toni kung saan pinagsasabihan niya si Micaela Marcelo o "Mikay" tungkol sa ginawa nitong hindi magandang asal habang nasa labas sila at kumakain kasama si Doc Yappy at ang misis nito.

Si Doc Yappy o Dr. Eric Yapjuangco ay isang kilalang plastic surgeon. Si Toni naman ay kaniyang kaibigan at kliyente.

"Noong dinner, anong nangyari? May inaabot sa 'yo si Papi anong nangyari---Put*ng-ina nalaglag 'yong biskwit, tama? Tayo ay nasa fine dining restaurant, 'di ba, so 'yong pagka-iskwater natin, iwan natin sa bahay," talak ni Toni.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

"Pagkalaglag, nandoon sina Ms. Vina, sina Doc Yappy, imbis na 'Ay sorry sorry,' anong naging reaksiyon? 'Put*ng-ina nito! Nagbibigay lang, ganiyan pa eh.' k*ng-ina mo naman. Nasa restaurant ka naman na sosyal. Kailan mo 'ko narinig na 'P*ki ng-ina naman eh,' naggagagano'n ako sa harap ni Ms. Vina? Never," giit pa ni Toni.

"Ang tawag doon, pakikisama. Hindi ka naman magiging peke eh. Pero, put*ng-ina, um-adjust ka naman sa sitwasyon. 'T*ng-ina naman, nagbibigay bigay lang ako eh.' Napaganoon ako sa 'yo, 'Ay put*ng-ina ni Mikay oh. Ay g*go.' Napaganoon ako. Nakatingin lang ako sa iyo ng ganyan. 'Tapos no'ng sinabi mo na 'Sorry, sorry po, sorry po,' noong gumilid kayo, saka ako kumalma," pagpapatuloy niya.

Ang punto ni Toni, kinakailangan daw na iwanan ang mga nakasanayang gawi at makisama raw sa ibang tao, lalo na pagdating sa manners.

Hindi naman daw ito pagpapakaplastik kundi pagpapakita ng pakikisama.

MAKI-BALITA: Sermon-talak ni Toni Fowler sa tamang behavior sa 'fine dining restaurant,' patok

Dahil dito, ginawan na rin ito ng iba't ibang memes at nakakatawang content sa iba't ibang social media platforms lalo na sa TikTok, kabilang na rin ang sikat na content creator na si Davao Conyo.

Maging ang sumikat sa content na "Tita Julie" na si Macoy Dubs, may version din nito subalit nasa "beki lingo" naman.

At take note, maging si Doc Yappy, hindi rin nagpahuli, dahil ginawan na rin niya ito ng sariling version.

Ang mas nakakaloka, pati content creators sa ibang bansa ay ginaya na rin ito.

Samantala, wala pang sey si Toni tungkol sa pagiging hit agad-agad ng kaniyang viral video.

BASAHIN: Ano nga ba ang tamang behavior kapag 'tayo ay nasa fine dining restaurant?'