Ipinagtanggol ni dating Comelec commissioner Rowena Guanzon ang aktor at dancer na si Mark Herras mula sa mga husgang natatanggap nito dahil sa pagsayaw sa gay bar.
Sa X post ni Guanzon nitong Linggo, Enero 2, sinabi niyang thumbs up daw siya sa ginagawa ni Mark para kumita ng pera.
Aniya, “Maghubad man si Mark Herras para kumita para sa anak nya, thumbs up ako. Kayong mga judgemental kayo, parang perfect kayo.”
Maraming netizens ang sumang-ayon sa sinabing ito ni Guanzon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"You’re so right madam. For these thieves, stealing is a better alternative for them, easy money, no sweat, just be an expert in lying and that’s it, milyonaryo na sila !!!"
"Mas tatanggapin ko pa Ang taong handang sumayaw at maghubad para kumita kesa sa mga naksbarong at nanguuto Ng botante tapos magnanakaw pala"
“Agree."
"Oh ok. Sumayaw pala sa gay bar. Wala lang yun. Sayaw lang naman. So wala din problema. Kailangan kumayod para sa pamilya eh. Kung magpasexy sya, eh ayos lang naman"
"Taas ng standard ng mga Pilipino sa mga artista jusko di naman tayo apektado sa mga pinaggagawa ng mga yan"
"As long as they don't commit fraud and crimes then who am I to judge these people who only work to survive and to support their family. Yong i-judge natin yong may katiwalian sa confirm funds at pagiging incompetent niya sa DepEd at sa OVP. #ImpeachSaraDuterteNOW "
Matatandaang nauna nang sinabi ni Mark sa isang panayam kamakailan na wala raw siyang pakialam sa mga negatibong komento ng tao sa ginawa niya dahil hindi naman mapapakain ng mga ito ang kaniyang pamilya.
MAKI-BALITA: Mark Herras sa mga minamasama pagsayaw niya sa gay bar: 'Wala akong pakialam!'