Nahanap na ng awtoridad si Magsasaka Party-list 3rd nominee Lejun Dela Cruz matapos umanong dukutin ng mga nakasibilyang lalaki kaninang umaga, Linggo, Pebrero 2.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, natagpuan daw si Lejun nito ring Linggo ng hapon sa Manggahan, Pasig.
Sa kasalukuyan, sumasailalim daw ang biktima sa medical examination sa isang ospital sa Marikina.
Matatandaang naglabas ng pahayag ang partidong kinabibilangan ni Lejuan para ihayag ang pagkondena nila sa nangyari.
Anila, “MAGSASAKA Partylist strongly condemns this brazen and deplorable act. This is a direct attack on democracy and the constitutionally-protected right to political participation and free expression. Moreso, this not only endangers the life and safety of Lejun but also instills fear among those who seek to serve the people through legitimate and democratic means.”
Sa huli, pinaalalahanan nila ang publiko na manatiling alisto at matatag sa pagtuligsa sa mga politikal na panliligalig at karahasan.
MAKI-BALITA: Magsasaka Party-list nominee, dinukot sa Cainta