July 18, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ivana badtrip sa resto; 9 na oras naghintay, mali pa dumating na order?

Ivana badtrip sa resto; 9 na oras naghintay, mali pa dumating na order?

Usap-usapan ng mga netizen ang pagsita ni social media personality at Kapamilya actress Ivana Alawi sa isang restaurant na bukod sa siyam na oras pinaghintay ang kaniyang driver na pumick-up sa kanilang order, mali pa raw ang mga pagkaing ibinigay sa kanila.

"Kaloka kayo ₱17,200 na ito?? Maling order po nabigay niyo twice @haidilaophilippines," sita ni Ivana sa kaniyang Instagram story habang ipinakikita ang ilan sa mga pagkaing nakuha mula sa inorderang restaurant.

Photo courtesy: Screenshots from Ivana Alawi (IG)

Sa isa pang IG story, sinita ni Ivana ang nabanggit na restaurant, na inorderan niya ng mga pagkain para sa hotpot, na nagkakahalagang mahigit ₱17k.

"Our driver has been at @haidilaophilippines since 12 pm. Had to wait until 9:30 pm to get our ordered food. We ordered ₱17,200 worth of food to enjoy hotpot at home. They first gave us a wrong order. Which I sent back our driver to return para hindi icharge sa staff ang mistake nila."

"Here is the second order they gave my driver... after 9 hours of driving back and forth 2 soup, 2 beef, 4 bean curd sauces," dagdag pa ni Ivana.

Tsika at Intriga

Ivana, binakbakan sa pagpapamudmod ng cellphones; promotion ng online sugal?

Sa sumunod na text caption ay tila nagbigay siya ng babala sa lahat kapag oorder sila sa nabanggit na resto.

"Please be careful when you order from @haidilaophilippines [thumbs down emoji]."

"I'm never ordering from here again. So so disappointed."

Photo courtesy: Screenshot from Ivana Alawi (IG)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o opisyal na pahayag ang pamunuan ng restaurant tungkol sa pag-call out sa kanila ni Ivana.