June 10, 2025

Home BALITA

Ilang estudyante, binatikos pagtungtong ni Sen. Imee sa UP Diliman

Ilang estudyante, binatikos pagtungtong ni Sen. Imee sa UP Diliman
Photo courtesy: Contributed photo/Facebook

Ilang mga estudyante ang nagkilos-protesta sa pagpunta ni Sen. Imee Marcos sa Bahay ng Alumni sa University of the Philippines (UP) Diliman nitong Linggo, Pebrero 2, 2025. 

Giit ng ilang estudyante, hindi umano “welcome” ang senadora na muling tumungtong sa unibersidad kung saan ilang mga mag-aaral ang napaslang sa panahon ng panunungkulan ng ama ni Sen. Imee na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. 

Isa sa panauhing pandangal si Sen. Imee sa isinagawang pagtitipon sa Bahay Alumni sa UP. 

Sa ikinasang lightning rally, iginiit ni All UP Academic Employees Union Francezzca Kwe, bagama’t pampubliko raw ang unibersidad, hindi raw nangangahulugang bukas ito sa pamilya Marcos. 

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

“Dapat ba makatungtong nang malaya ang pamilyang Marcos sa unibersidad? Hindi ibig sabihin na ang ating unibersidad ay pampublikong espasyo, (dapat) nagpapapasok ng mga pamilyang diktador, mamamatay-tap, magnanakaw,” ani Kwe. 

Mariing umanong kinokondena ng ilang progresibong grupo sa naturang unibersidad ang presensya ng senadora.