June 14, 2025

Home BALITA Politics

Espiritu sa pagsasabatas ng death penalty: 'Mga mahihirap lang ang magsa-suffer'

Espiritu sa pagsasabatas ng death penalty: 'Mga mahihirap lang ang magsa-suffer'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Freepik

Inilatag ni labor leader at senatorial aspirant Atty. Luke Espiritu ang posisyon niya hinggil sa muling pagsasabatas ng death penalty sa Pilipinas.

Sa ikinasang “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025” noong Sabado, Pebrero 1, sinabi ni Espiritu na mahihirap lang umano ang higit na maaapektuhan ng naturang parusa.

“Hindi ako agree sa death penalty. Imagine mo ibaba mo sa 5 million [ang threshold ng Plunder Law] ta’s ide-death penalty mo,” saad ni Espiritu. 

Dagdag pa niya, “Sinong made-death penalty niyan? Hindi si mayor, hindi si congressman, hindi ang mga dynasty kundi ‘yong simpleng bagman na may ₱5M na share. Mga mahihirap lang ang magsa-suffer sa death penalty.”

Politics

Atty. Princess Abante, dinepensahan mga paayuda ni HS Martin Romualdez

Ito ay matapos ihayag ng kapuwa kandidato ni Espiritu ang panukala ni Atty. Vic Rodriguez na amyendahan ang plunder law at ibalik parusang kamatayan sa bansa sa oras na mailuklok bilang senador.

Matatandaang nauna nang pinawalang-bisa ang death penalty sa Pilipinas sa ilalim ng 1987 Constitution.