May 13, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

'Balota' ni Marian Rivera, namayagpag sa Netflix!

'Balota' ni Marian Rivera, namayagpag sa Netflix!
Photo Courtesy: Marian Rivera (FB), GMA Pictures (IG)

Ibinahagi ng GMA Pictures ang pamamayagpag ng “Balota” ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Netflix.

Sa isang Instagram post ng GMA Picture noong Sabado, Pebrero 1, makikitang una ang “Balota” sa Top 10 na pelikulang Pinoy na mapapanood sa naturang online streaming platform.

“‘Balota' is top 1 on Netflix Philippines today! Don't miss it! Now playing on Netflix,” saad ng GMA Pictures.

Samantala, pinasalamatan naman ni Marian sa kaniyang Facebook account ang mga nanood at nagbigay ng komento sa pelikula.

“Salamat po ” aniya sa caption.

Pelikula

Maria Ozawa, bet sumabak sa VMX

Matatandaang unang ipinalabas ang “Balota” sa ginanap na 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong Agosto 2024 kung saan itinanghal bilang “Best Actress” si Marian.

MAKI-BALITA: 'Bonggang birthday gift!' Marian Rivera, 'Best Actress' sa Cinemalaya 2024