Kinaaliwan ng mga netizen ang tila "hugot" ni Kapamilya star Andrea Brillantes kaugnay sa bagong packaging ng kaniyang beauty products.
Bukod sa pag-aartista, abala si Blythe sa pagiging "youngest celebrity CEO" ng beauty and skin care products.
Sey ni Andrea, nakinig daw sila sa mga netizen patungkol sa packaging ng kaniyang negosyo kaya sumunod daw sila sa pagbabago.
"Kung ang kompanya kaya makinig sa inyo para magbago sila, anong excuse ng lalaki n'yo at hindi sila nagbabago?" ani Blythe sa kaniyang latest Instagram post, Sabado, Enero 31.
"Sa mga may issues diyan, attachment issues diyan, hindi siya nagbago, naging better lang siya," dagdag pa ni Blythe.
Pero sa mas seryosong paliwanag, sinabi ni Andrea na nakinig daw siya sa mga netizen at pinalitan na nga ang packaging ng isang skin veil.