July 17, 2026

Home BALITA National

Amihan, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA

Amihan, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Pebrero 2, na ang northeast monsoon o amihan at easterlies ang patuloy na nakaaapekto sa bansa.

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang easterlies—na tumutukoy naman sa mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko—ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga at Davao Region. Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa rito sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Inaasahan namang magdadala ang malamig na hanging amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Batanes. Wala namang inaasahang malaking epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Samantala, medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil pa rin sa easterlies. Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

National

‘Hindi unggoy ang mga Pilipino!’ Jay Tarriela, Sen. Robin, nagpuksaan sa social media!