February 02, 2025

Home SHOWBIZ

Philip Salvador, 'IPEktibong' maglilingkod, magseserbisyo 'pag naging senador

Philip Salvador, 'IPEktibong' maglilingkod, magseserbisyo 'pag naging senador
Photo courtesy: Screenshots from PDP-Laban (FB)/MB (X)

Ibinahagi sa opisyal na Facebook page ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang pag-endorso nila sa kanilang miyembrong si Philip Salvador na tumatakbong senador sa parating na National and Local Elections (NLE) sa Mayo 2025.

Si Philip, ay tinawag nilang 'Mr. IPEktibo," mula sa salitang "epektibo" o mabisa at palayaw ni Philip na "Ipe."

Bitbit ng action star ang kaniyang pangakong magiging epektibo ang kaniyang paglilingkod at pagseserbisyo sa mga mamamayang Pilipino kapag binoto at nahalal siyang senador, sa ilalim ng partidong pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

"Hindi ako abogado, hindi po ako doktor, hindi po ako engineer—ako'y isang artista—pero ako 'yong artistang epektibong maglilingkod at magseserbisyo sa mamamayang Pilipino," mababasa sa kalakip na art card, na sinambit ni Ipe noong tanggapin niya ang pag-endorso ng partido, sa pagdiriwang ng 42nd anniversary ng PDP na ginanap sa isang hotel sa Cebu City noong Abril 19, 2024.

'Tayo ay nasa fine dining restaurant' ni Toni Fowler nilaro, ginawan ng versions

"Ang tagal ko nang hinintay ito. Kung 'yong sinasabi n'yo, mahal n'yo si PRRD, ako, ibibigay ko ang buhay ko para sa kaniya," anang Ipe noon.

"Tinatanggap ko po ang aking nominasyon para sa 2025 senatorial election. Mananatili po ako sa PDP hanggang sa huli kong hininga. Tandaan n'yo po 'yan. Maraming salamat po!"

MAKI-BALITA: Phillip Salvador tatakbong senador sa 2025, inendorso ng PDP