Kumbinsido umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na lulusot sa Magic 12 at local elections ang mga kandidatong nasa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Sa kaniyang talumpati para sa pagpupulong ng PFP noong Biyernes, Enero 31, 2025, inihayag ng pangulo ang kaniyang pag-asa sa magiging resulta umano ng National and Local Elections (NLE) sa darating na Mayo.
“What we want to be the result- of course we always think, it should be first, in the Senate 12-0, that's what we're after,” ani PBBM.
Dagdag pa niya, “And at the local (level), it should be 100 percent because our members at the local level are the best.”
Giit pa ng pangulo, nasa kanilang hanay din umano ang pinakamagagaling lider.
“And we have gathered, I believe, the best people and the most effective public servants in the Philippines under our umbrella,” anang pangulo.
Samantala, matatandaang noong Oktubre 2024, nang maglabas ang OCTA research ng resulta ng kanila umanong senatorial survey kung saan 9 mula sa 12 mga politikong nasa ilalim ng senatorial slate ni PBBM ang nagawang pumasok sa “Magic 12.”
KAUGNAY NA BALITA: Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race
Noong Setyembre 2024 nang pormal na iendorso ni PBBM sina reelectionists Sen. Lito Lapid, Sen. Bong Revilla, Sen. Pia Cayetano, Sen. Francis Tolentino, at kapatid na si Sen. Imee Marcos.
Binubuo rin ng senatorial slate ng administrasyon sina Makati City Mayor Abby Binay, broadcast journalist at dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Erwin Tulfo, House Deputy Speaker, Las Piñas City, Lone District Rep. Camille Villar, at dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Benhur Abalos.
Kasama rin sina dating Senate President Tito Sotto III dating Senador Ping Lacson at dating Senador Manny Pacquiao.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa senatorial slate niya: 'This will lead us to a stronger, more prosperous PH'