Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na pumalo na sa 554 ang mga lumabag sa election gun ban sa pagtatapos ng buwan ng Enero.
Sa panayam sa komisyon ng Super Radyo dzBB nitong Sabado, Pebrero 1, 2025, tinatayang 521 mga sibilyan ang naiulat na lumabag sa nasabing gun ban. Sinundan naman ito ng 18 bilang ng mga security guard, apat na miyembro ng Armed Forces of the Philippines, apat mga dayuhan at iba iba.
Matatandaang noong Enero 12 nang magsimula ang Election period na magtatapos sa Hunyo 11.
Samantala, ayon naman sa Philippine National Police (PNP), nananatiling Metro Manila ang may pinakamaraming gun ban violators matapos maitala rito ang 147 paglabag, sumunod naman dito ang Central Luzon na may 105 na kaso at Central Visayas na may 69.
Kalimitan din umanong nasabat sa Comelec check-point ang revolver kung saan nakapagtala ang PNP ng 208 na bilang ng mga ito. Sinundan ito ng bilang ng mga kumpiskadong pistols na na may 166, habang 25 naman sa mga replica guns, 13 Class A firearms, 11 mga pampasabog, anim na shotguns, apat na rifle at 104 na iba pa.