February 08, 2025

Home BALITA Probinsya

Away mag-asawa, nauwi sa saksakan; mister, patay!

Away mag-asawa, nauwi sa saksakan; mister, patay!
Photo courtesy: Pexels

Humantong sa saksakan ang away ng mag-asawa sa Leyte kung saan isa ang kumpirmadong nasawi. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Biyernes, Enero 31, 2025, nangyari ang naturang krimen sa Barangay 98, Camansihay noong Huwebes, Enero 30. Kinilala ng pulisya ang suspek na si “Zelda,” at mismong asawa ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa patayan. Nauna raw kumuha ng 19 pulgadang bolo ang biktima na dapat sana’y isasaksak sa suspek, ngunit nakaiwas umano ang misis at saka sinaksak ng ilang beses ang kaniyang mister.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na kusang-loob umanong sumuko dala ang pinaghihinalaang murder weapon.

Probinsya

Private plane bumagsak sa Maguindanao del Sur; 4 patay, kalabaw nadamay