January 31, 2025

Home BALITA National

Tinatayang 82 pari sa Pilipinas, may record umano ng 'panghahalay'

Tinatayang 82 pari sa Pilipinas, may record umano ng 'panghahalay'
Photo courtesy: Pexels

Tahasang inilathala ng watchdog na Bishop Accountability.Org ang umano’y 82 pari sa Pilipinas na may mga kaso raw na pang-aabuso sa mga menor de edad. 

Ang Bishop Accountability.Org ay isang grupong nagtatala at nagmo-monitor ng lahat ng kaso ng pang-aabuso ng mga pari sa iba’t ibang panig ng mundo. 

Batay sa database na inilathala ng naturang grupo, hindi lamang limitado sa mga paring nakadestino sa Pilipinas ang nasabing 82 pari na may kaugnayan sa mga kaso ng panghahalay sa kabataan. Ang ilan umano sa mga ito ay mga Pilipinong paring nakabase rin sa United States at ilang mga pari naman na mula sa US, Ireland at Australia na nasa Pilipinas.

Saad pa ng grupo, mas mapapadali umano ang pagtukoy sa mga paring nang-aabuso kung nakikipagtulungan umano ang dioceses at mismong sistema ng hustisya ng bansa sa pagtukoy ng mga ganitong kaso.

National

Romualdez, inalala dedikasyon ni Lagman para sa ‘human rights, good governance, social justice’

"It's a fraction of the total number of accused clerics who would be known if Philippine church leaders were required to report child sexual abuse to law enforcement, if its legal system made it easier for victims to file civil claims against complicit church leaders, if clergy sex abuse victims were more broadly supported, or if dioceses and religious orders were investigated by prosecutors or state cpmmission," anang Bishop Accountability.Org. 

Bagama’t may mga akusadong pari na raw ang nasibak mula sa kanilang serbisyo, may ilan daw sa mga ito ang palihim na nakabalik sa kanilang posisyon dahil umano sa tulong ng mga arsobispo. 

"They feel entitled to return priests accused of very serious crimes to ministry, without humbly accounting for why they feel the priest is no risk," saad ni Anne Barrette Doyle sa panayam sa media. 

Bukas umano ang Bishop Accountability.Org sa mga gustong humingi ng tulong na may kaugnayan sa pang-aabuso ng mga pari.  

Pilipinas ang ikatlo sa pinakamalaking Katolikong bansa sa buong mundo, sunod sa Brazil at Mexico, ayon sa Radyo Veritas Asia.

Inirerekomendang balita