Sa nalalapit na pagbubukas ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab na kolaborasyon ng ABS-CBN at GMA Network para sa 20th anniversary nito, marami sa mga naging housemates at winners ng PBB ang nagtagumpay sa showbiz, habang ang iba naman ay pinili ang mas pribadong buhay.
Narito ang listahan ng mga dating "Pinoy Big Brother" (PBB) housemates na kasalukuyang aktibo bilang mga artista sa GMA Network ayon sa GMA Entertainment:
1. Tom Rodriguez
Mula noong 2013, naging Kapuso si Tom Rodriguez at ginampanan ang mga karakter tulad ni Vincent sa 'My Husband's Lover,' Sergio Santibañez sa 'Marimar,' at Stefano sa 'Love of My Life.' Nagsimula ang kaniyang journey sa 'Pinoy Big Brother: Double Up' noong 2009. Siya ay na-evict sa Day 42 dahil sa biglaang pagkakaroon ng sakit at kinailangan ng medikal na atensyon.
2. Beauty Gonzalez
Noong 2021, lumipat si Beauty Gonzalez sa GMA Network kung saan siya gumanap sa ilang mga serye. Ngunit bago ang kaniyang paglipat, naging bahagi siya ng 'Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus' noong 2008, kung saan naging ika-4 na big placer. Bumida rin si Beauty sa seryeng Kadenang Ginto at Pusong Ligaw na umere sa Kapamilya Gold.
3. Megan Young
Bago pa man sumali sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Season 2,” kabilang na si Megan Young bilang isang avenger sa StarStruck Season 2 noong 2004. Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2007 at pinalad na maging bahagi ng 'Pinoy Big Brother.' Bumalik siyang muli sa GMA noong 2015.
4. Sam Pinto
Nakatrabaho ni Sam Pinto si Mark Herras sa isang episode ng 'Maynila' bago siya pumasok sa Big Brother house noong 2009. Siya ay naging bahagi ng “Pinoy Big Brother: Double Up” at na-evict sa Day 98. Kamakailan lang, gumanap siya bilang Dra. Denise Evangelista-Lobrin sa “Abot-Kamay Na Pangarap.”
5. Jayson Gainza
Kilala bilang host ng “TiktoClock,” si Jayson Gainza ay naging bahagi ng GMA Network noong 2021 at nagkaroon ng papel sa “Happy ToGetHer.” Siya ang unang runner-up sa unang season ng “Pinoy Big Brother” noong 2005, na tinalo ni Nene Tamayo.
6. Luis Hontiveros
Isang modelo at aktor, si Luis Hontiveros ay naging bahagi ng ilang mga Kapuso serye tulad ng “Asawa Ng Asawa Ko,” “To Have and To Hold,” at “Black Rider.” Pumasok siya sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” noong 2016 sa edad na 24.
7. Kazel Kinouchi
Kilala si Kazel Kinouchi sa kaniyang pagganap bilang Dr. Zoey sa “Abot-Kamay Na Pangarap” noong 2022. Bago lumipat sa Kapuso Network, unang napanood si Kazel bilang housemate sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.”
8. Zonia Mejia
Si Zonia Mejia, na kasalukuyang gumaganap bilang Trixie sa “Lilet Matias, Attorney-At-Law,” ay pumasok sa “Pinoy Big Brother: 737” noong 2015, kung saan siya naging bahagi ng teen batch ng mga housemates.
9. Myrtle Sarrosa
Si Myrtle Sarrosa ay isang aktres at cosplayer na huling napanood sa seryeng “Makiling” bilang si Portia. Siya ang naging big winner ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4” noong 2012. Lumipat siya sa GMA noong 2020.
10. Nikko Natividad
Si Nikko Natividad, dating miyembro ng “Hashtags” at kasalukuyang parte ng “Lolong: Bayani ng Bayan,” ay pumasok sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” noong 2016. Siya ay kilala na bago pumasok sa Bahay ni Kuya kasama ang kapwa miyembro ng Hashtags na si McCoy de Leon.
Matatandaang noong Martes, Enero 28 ay naganap na ang contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN para sa pagbubukas ng bagong season ng PBB kung saan magsasanib-puwersa ang ilang Sparkle at Star Magic artists bilang mga bagong housemates ni Kuya.
MAKI-BALITA: Big Brother narinig boses sa ginanap na GMA, ABS-CBN contract signing
Mariah Ang