April 04, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Regine, tanggap na estado niya ngayon: ‘In-accept ko na lang na hindi na time’

Regine, tanggap na estado niya ngayon: ‘In-accept ko na lang na hindi na time’

Nausisa si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid hinggil sa masasabi niya tungkol sa usaping lipas na ang kaniyang oras bilang sikat na mang-aawit.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Lunes, Enero 27, inamin ni Regine na nagbago na ang kaniyang boses sa pag-awit kung ikukumpara sa kaniyang mga performance dalawang dekada na ang nakalilipas.

Ayon sa kaniya, tanggap niya rin na kung dati siya ang nasa rurok ng kasikatan, ngayon ay may mga bagong mang-aawit nang kinikilala sa industriya.

Saad ni Ogie, “Grabe yung acceptance mo ah, yung iba talaga kung ano yung estado nila sa buhay parang hindi nila ma-accept na may mga dumating ng bago, medyo matatabunan ka na, pero ikaw yung acceptance mo na ‘eh ganun talaga ang buhay dati ako yung sobrang bango, sobrang sikat, may mga dumarating din naman na kailangan kong yakapin, kailangan kong i-welcome.”

Tsika at Intriga

'Reserving my peace' post ni Mayor Mark Alcala, inokray dahil sa grammar

Sinang-ayunan naman ito ni Regine at sinabing masasaktan lamang kung hindi matututong tanggapin ang realidad ng showbiz.

“Like you said, ganun talaga ang buhay, eh. Plus it would only hurt you if you don't accept the reality of show business,” saad ni Regine.

Dagdag pa niya, “Ako lagi kong iniisip, na-experience ko na rin naman like you said naging mabango ka na-experience ko na ‘yon eh. Ngayon i-enjoy mo na lang kung ano pa yung nandyan.”

Para kay Regine, grateful daw siya dahil naririto pa rin siya sa industriya at may raket. Kaya wala raw siyang rason na nakikita para magreklamo.

“More than anything else, I'm just grateful na nandito pa ako, may raket pa nga ako, rumaraket pa ako, kumbaga may nakikinig pa rin naman sa akin, may nanonood pa rin naman ng concert hanggang ngayon nagko-concert pa ako. So nothing for me to complain about or be yung nagsa-sour-grape about,” aniya pa.

Aniya, tanggap na niyang hindi niya na oras dahil lahat naman daw sa buhay ay nabibigyan ng pagkakataon kung kailan magiging ‘mabangong-mabango’.

“In-accept ko na lang na hindi na time. Ganun talaga, we are all given specific time in our lives na, dito ka mabangong-mabango, and then later on medyo meron nang ibang darating na mas mabango sa'yo, pero nandiyan ka pa rin. You're still doing. Okay na ako do’n, happy ka na do’n,” pagbabahagi ni Regine.

Mariah Ang