January 28, 2025

Home BALITA National

Trillanes sa 'blank space' sa nat'l budget: 'Inimbento nila 'to para ilihis ang issue'

Trillanes sa 'blank space' sa nat'l budget: 'Inimbento nila 'to para ilihis ang issue'
Photo Courtesy: Antonio Trillanes, RTVM (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang dating senador na si Antonio Trillanes hinggil sa umano’y “blank space” na matatagpuan sa pinirmahang 2025 national budget ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa latest X post ni Trillanes noong Linggo, Enero 26, sinabi niyang inimbento lang umano ang “blank space” upang malihis ang corruption issue ng mga Duterte.

Matatandaang sa isang episode ng “Basta Dabawenyo” noong Enero 18, inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tila may nakita raw siyang mali sa budget ng bansa ngayong taon.

MAKI-BALITA: FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

National

Manuel, naalarma sa epekto ng paglaganap ng Pornhub sa kabataan

“Ang ‘bicam/blank spaces’ issue ay isang duterte issue. Inimbento nila to para ilihis ang issue palayo sa corruption ng pamilya nya,” saad ni Trillanes. 

Dagdag pa niya, “Si Sen Risa [Hontiveros] na miyembro ng bicam mismo ang nagsabi na walang blank spaces. Kung magpabudol ka pa ulit kay duts, ikaw na ang may problema.”

Ayon kay Hontiveros, hindi raw siya makapaniwala na magpapasa ang Kongreso ng panukalang batas tulad ng General Appropriations Act na may blangkong linya.

“Kahit kumontra ako sa budget na 'yan in its final form ay hindi ako naniniwala na ipinasa 'yan ng Kongreso na may blank page pa," pahayag ng senadora sa eksklusibong panayam ng “Unang Balita” noong Enero 22.