January 28, 2025

Home BALITA

Robina Gokongwei-Pe, inilantad na ang 'kambal na ahas!'

Robina Gokongwei-Pe, inilantad na ang 'kambal na ahas!'
Photo courtesy: Robina Pe (FB)

Ibinalandra na sa publiko ng kilalang negosyanteng si Robina Gokongwei-Pe ang kaniyang umano'y "kakambal" na matagal nang usap-usapan at itinuturing pa ngang "urban legend."

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes ng umaga, Enero 27, ipinakita ni Robina ang ilang mga naglalakihang ahas habang nasa vicinity ng kanilang pagmamay-aring mall.

"Look who finally decided to come out of hiding. My shining, shimmering golden twin (with his pretty in pink girlfriend)! Here’s to a slitheringly good Year of the Snake!* " mababasa sa caption ng post.

Ang nabanggit na mga "kambal na ahas" ay mga palamuti lamang para sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year sa Enero 29.

National

Manuel, naalarma sa epekto ng paglaganap ng Pornhub sa kabataan

Matatandaang noong 90s, kumakalat ang isang urban legend tungkol sa umano'y half-man half-snake na kambal ni Robina na nagtatago sa basement ng mall, na nambibiktima raw ng magagandang babaeng mall goers.

MAKI-BALITA: 10 pinakakahindik-hindik at pinakamisteryosong 'urban legend' sa Pinas

Nangyayari daw ito sa pamamagitan ng pagbukas ng sahig ng mga fitting room ng mall, kapag may prospect na biktima para sa taong ahas.

Kapag kinain na raw ng taong ahas ang biktima, magdudumi raw ito ng mga ginto, na nagpayaman daw sa pamilya.

Isa nga raw sa mga nabiktima nito ang aktres na si Alice Dixson, na nabayaran daw ng malaking halaga para sa pananahimik. Subalit noong 2018, pinabulaanan ni Alice ang lahat ng mga kumalat na tsika tungkol sa kaniya at sa taong ahas.

Ilang beses na rin itong pinabulaanan nina Robina at maging ng kapatid na si Lance Gokongwei, sa panayam ng huli kay Jaime Zobel de Ayala sa vlog nito.

“No snake. If there would have been a snake, my sister Robina would have caught it and converted it into a handbag that she sold in Robinsons," pahayag ni Lance. 

MAKI-BALITA: Urban legend sa isang mall, muling naungkat; paliwanag ng mga anak ng may-ari, binalikan