January 28, 2025

Home BALITA Metro

QC Government, nagpaalala sa mga paaralang nagsasagawa ng event

QC Government, nagpaalala sa mga paaralang nagsasagawa ng event
Photo Courtesy: QC Government, Bestlink College of the Philippines (FB)

Naglabas ng pahayag ang Quezon City Government kaugnay sa out-of-town celebration ng isang pribadong paaralan sa nasabing lungsod na nagdulot ng matinding traffic at “serious safety concerns.”

Sa isang Facebook post ng QC Government nitong Linggo, Enero 26, hinimok nila ang mga paaralan na tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante sa pagsasagawa ng malakihang ganap.

“Schools are reminded of their responsibility to exercise due diligence by ensuring meticulous planning and closely coordinating with local government units (LGUs) and other relevant authorities,” saad nila. 

Dagdag pa ng QC Government, “Adherence to established safety protocols is non-negotiable and must be strictly observed to safeguard students and prevent undue inconvenience to the public.”

Metro

69-anyos na lolang nawala sa sunog sa QC, kasamang natupok ng apoy

Kaya nanawagan sila sa mga education institution na matatag na panghawakan ang mga nasabing pamantayan sa pagsasagawa ng events.

“Together, let us create a safer, more responsible environment for our students and the broader community,” anila.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang ibinibigay na pahayag o reaksiyon ang paaralang sangkot sa nasabing isyu. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.